dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pilipino, pinaka sinubaybayan ang balita kaugnay sa SIM registration

Mayorya ng mga Pilipino ang pinaka sinubaybayan ang balita kaugnay sa SIM registration noong ikalawang kwarter ng 2023. 

Batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, 70% ng mga Pinoy ang nakatutok sa mga balita hinggil sa pagpaparehistro ng SIM, na most followed story mula sa 14 news events. 

Mas mataas ito kumpara sa 68% na naitala sa unang kwarter ng taon.

Pumangalawa naman sa tinutukang balita ng mga Pinoy ang nangyaring sunog na tumupok sa Manila Central Post Office noong May 21 na may 51%. 

Sinundan ito ng state visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga Pilipinong atleta na lumahok sa 2023 Sea Games sa Cambodia na parehong may 45%. 

Nakakuha naman ng 44% ang NBA basketball finals sa pagitan ng Denver Nuggets at Miami Heat, lumubog na MT Princess Empress na nagdulot ng malawakang oil spill na may 445, at ang pagtatalaga ng buoys ng PCG sa WPS na nakapagtala ng 43%. 

Kabilang din sa iba pang balita na sinubaybayan ng mga Pinoy ang refugee crisis sa Ukraine, acquittal ni former Sen. Leila de Lima, kasangga joint exercise sa pagitan ng Pilipinas at Australia, pagtatatag ng Maharlika Investment Fund, Pagpapalawak ng EDCA, pagbaha sa ilang lugar sa Africa, coronation ni Charles III at asawang si Camilla bilang hari at reyna ng United Kingdom. 

Nabatid na ang survey ay isinagawa mula noong June 28 hanggang July 1 na nilahukan ng 1,500 respondents sa buong bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author