dzme1530.ph

Pinsalang dulot sa imprastraktura ng bagyong Egay, sumampa na sa P2.66-B

Pumalo na sa P2.66-B ang naitalang pinsala sa imprastraktura ng bagyong Egay sa bansa.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), pinakamalaking halaga ng pinsala ay naitala sa flood control structures na aabot sa P1.73-B.

Nasa P887.1-M naman ang pinsala sa mga kalsada habang P48.20-M sa mga tulay.

Samantala, sinabi ng DPWH na mayroon pang 21 kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1 at Region 2 ang hindi pa rin madaanan dahil sa pagguho ng lupa, nasirang tulay at pagbaha. –sa panulat ni Joana Luna

About The Author