dzme1530.ph

Price freeze, iiral sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity

Walang inaasahang paggalaw sa presyo ng tinapay, sardinas, inuming tubig, processed milk, noodles, asin, sabong panlaba at kandila sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Egay’.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ito’y base sa Republic Act 7581 o Price Act, kung saan iiral ang price freeze sa loob ng 60-araw sa mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Mountain Province; Ilocos Norte; Ilocos Sur; Dagupan City, Pangasinan; bayan ng Sanchez Mira sa Cagayan; Cavite; at bayan ng Sablayan sa Occidental Mindoro. 

Nabatid na alas-8:00 ng umaga ng Huwebes, nang makalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Egay na nag-iwan ng pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura. –sa panulat ni Joana Luna

About The Author