dzme1530.ph

Economic team, dapat humanap ng ibang pondo para sa pensyon ng mga retired military at uniformed personnel

Tulad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nais din ni Senador Imee Marcos na hindi maapektuhan ng ipatutupad na reporma sa pension system ng Military and Uniformed Personnel.

Ayon sa senador, bagama’t batid niyang may kontribusyon dapat ang bawat nagnanais ng pension, iba anya ang sitwasyon ng mga pulis at sundalo dahil araw-araw nilang itinataya ang kanilang mga buhay para sa pagtupad sa tungkulin.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na makabubuti kung aayusin ang kategorya ng bawat uniformed personnel dahil iba-iba ang tungkulin ng mga ito lalo na ang mga nasa service units at mga pulis.

Pabor naman ang senador sa panukala na imbentaryuhin ang lahat ng assets ng mga pulis at militar na maaaring pagkunan ng kita na magagamit sa pensyon.

Umaasa rin ang senadora na makabubuo ng maayos na sistema kaugnay sa MUP pension sa pamamagitan ng konsultasyon sa mga stakeholders. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author