dzme1530.ph

PBBM, ipinagmalaki sa APEC Business Leaders ang mga ipinatupad na reporma sa pagnenegosyo

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa business leaders ng Asia-Pacific Economic Cooperation, ang mga ipinatupad na reporma ng kanyang administrasyon sa sektor ng pagnenegosyo.

Sa pagbubukas ng 3rd APEC Business Advisory Council Meeting sa Cebu City, inihayag ng Pangulo na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay isinulong ang e-commerce, e-governance, at innovation.

Binanggit din nito ang ilang legislative reforms tulad ng amendments sa Foreign Investments Act, at ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), o ang Free Trade Agreement sa ASEAN at partner nations.

Sinabi rin ni Marcos na noong nakaraang buwan ay sinertipikahan niyang urgent ang Public-Private Partnership Bill.

Iginiit naman ng Pangulo na kailangang patuloy na suportahan ang micro, small, at medium enterprises na itong kumakatawan sa mayorya ng mga negosyo at pinagmumulan ng trabaho sa rehiyon.

Samantala, inilarawan din ni Marcos ang digitalization at innovation bilang susi sa pagpapalawak ng ekonomiya sa APEC.

Pinuri rin nito ang leadership role ng business sector sa pagsusulong ng kaunlaran sa Asia-Pacific region. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author