Nabanggit ang isyu sa Sabah Island sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lider ng Malaysia.
Ayon sa Pangulo, sadyang hindi maiiwasang mabanggit ang isyu sa Sabah, lalo’t mayroon umanong “outstanding claim” ang bansa dito.
Gayunman, iginiit ni Marcos na hindi kaagad mareresolba sa ngayon ang isyu.
Dahil dito, mas tinutukan na lamang umano ni Marcos ang iba pang bagay tulad ng trade relations, people-to-people ties, at ang tulong ng Malaysia sa Bangsamoro region.
Matatandaang nakipagpulong si Marcos kina Malaysian King Al-Sultan Abdullah at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia.
Sinabi naman ng chief executive na magtutulungan ang gobyerno ng Pilipinas at Malaysia upang maiwasan ang anumang sigalot.
Tiniyak din nito na kapag dumating na ang takdang panahon ay kanyang babalikan ang isyu sa Sabah. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News