Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Low-Pressure Area (LPA).
Sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) huling namataan ang LPA sa layong 250 Kilometers West Northwest ng Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, o 270 km South Southeast ng Puerto Princesa City, Palawan.
Sa kabila nito, malabo pa ring maging bagyo ang LPA sa susunod na dalawampu’t apat na oras.
Gayunman, magdadala pa rin ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Davao Region.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan din ang mararanasan sa MIMAROPA, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Visayas, at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Samantala, dahil sa Northeast Monsoon o hanging Amihan ay maulap na papawirin na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol Region, Mimaropa, at Aurora.
Inaasahan rin ng pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.