Kasado na sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna ng COVID-19 bivalent vaccines sa mga residente na kabilang sa A3 priority list.
Ito ay ang mga indibidwal na may comorbidities tulad ng sakit sa puso, baga, bato, atay, hypertension, hika, cancer, diabetes, obesity at mga buntis o mga breastfeeding mom.
Ang mga interesado at kwalipikadong indibidwal ay maaaring magtungo sa 44 health centers sa buong lungsod ng Maynila, mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Dalhin lamang ang mga kakailanganing requirements gaya ng identification card, proof of vaccination o vaccine card at medical clearance para sa mga immunocompromised individuals.
Pinapayuhan rin ang lahat na magpa-rehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph para magkaroon ng record hinggil sa ikakasang pagbabakuna. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News