dzme1530.ph

Investment pledges na nalikom ni PBBM mula Malaysia, inaasahang magbubunga ng 100k trabaho

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakikitang lilikha ng 100,000 trabaho ang nalikom niyang $285-M na investment pledges mula sa kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia.

Ayon sa Pangulo, makapagbibigay ng maraming trabaho ang investment commitments sa oras na umarangkada na ang construction phase hanggang sa pagsisimula ng kanilang operasyon.

Naniniwala rin si Marcos na makatutulong ito sa pagpananatili ng mataas na employment rate sa bansa.

Matatandaang nagpahiwatig ng interes ang Malaysian Business Leaders sa pag-iinvest sa Pilipinas sa food processing industry, multi-service digital platforms, aviation at aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, infrastructure, at water and wastewater treatment facilities.

Bukod dito, naselyuhan din ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine at Malaysian companies para sa pagpapalawak ng trade and investment opportunities sa agrikultura. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author