dzme1530.ph

P5.9-M halaga ng illegal drugs mula sa dalawang parcel, naharang sa isang warehouse sa NAIA complex

Kulang kulang P6-M halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG mula sa dalawang parcel sa DHL warehouse, NAIA complex sa Pasay City.

Unang naharang ng customs ang isang inbound parcel na idineklarang steel bread toaster na padala ng isang Ebay Inc. ng 134 Central Ave., Phoenix, Arizona USA, na nakapangalan kay Raymond Dulla ng 2218 P. Binay St. Bangkal, Makati City, kung saan nakalagay ang 318 grams na hinihinalang shabu.

Habang ang isang outbound parcel naman na idineklarang hair dryers and brushes na padala ng isang Cherry Aguiling ng Blk 9 Lot 35 Meadow Park Subd. Molino, Bacoor, Cavite, na naka consignee naman kay Gordon Wood ng 2774 Mount Riverside Australia, kung saan nakalagay ang tatlong improvised pouches na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang dalawang parcel na naharang ay naglalaman ng may kabuuang 878 grams na hinihinalang shabu at may street value na aabot sa P5,970,400 ang halaga.

Ang mga nasamsam na illegal drugs ay nai-turn-over na ng Bureau of Customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at disposition. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author