Hiniling ni Senador Francis Tolentino sa liderato ng Senado na bumuo sila ng Special Senate Committee on Admiralty Matters.
Ipinaliwanag ni Tolentino na kailangan ang Special Committee on Admiralty Matters dahil sa inaasahang pagtalakay ng Senado sa mga maritime measures na ihahain ngayong 19th Congress.
Partikular ding hiniling ni Tolentino kay Senate Majority Leader Joel Villanueva na pag-aralan sa pinamumunuan nitong Senate Committee on Rules ang kanyang rekomendasyon.
Kasabay nito, inirekomenda ni Tolentino na ilipat sa Senate Committee on Justice and Human Rights ang pagtalakay sa House Bill 7819 o ang Philippine Maritime Zones Act mula sa Senate Committee on Foreign Relations.
Ipinaliwanag ng senador na siya ring Chairman ng Justice and Human Rights Committee na ang panukala ay may kinalaman sa immigration laws na saklaw ng kanyang kumite.
Binigyang-diin pa ni Tolentino na ang panukala ay may kaugnayan din sa usapin ng basic human rights ng mga mangingisda kaya naniniwala siyang nararapat itong dinggin sa kanyang kumite. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News