dzme1530.ph

Hoarders at smugglers ng agricultural products, sasampahan na ng kaso alinsunod sa direktiba ng Pangulo

Inihahanda na ng pamahalaan ang mga kasong isasampa laban sa hoarders at smugglers ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos bigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address na bilang na ang araw ng mga smuggler at hoarders.

Ayon kay Bersamin, na-validate na ng gobyerno ang intelligence reports kaugnay ng pagkakakilanlan ng mga smuggler at hoarders, at ang ilan umano sa kanila ay nabanggit na ang pangalan sa mga dating administrasyon.

Samantala, patuloy din umanong kumakalap ng ebidensya ang binuong task force against smuggling ng Department of Justice.

Sinabi ni Bersamin na malapit nang maisampa ang mga kaso laban sa mga tunay na nasa likod ng smuggling at hoarding. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author