Tiwala si Executive Secretary Lucas Bersamin na maaabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangakong P20 na kada kilo ng bigas.
Ayon kay Bersamin, tinututukan ng administrasyon ang pagpapataas ng produksyon sa mga lugar na major producers ng palay.
Gayunman, aminado si Bersamin na mayroong mga balakid na maaaring maka-apekto sa kanilang mithiin tulad ng weather conditions, climate change, at El Niño o matinding tagtuyot.
Sa kabila nito ay gumagawa na umano ng paraan ang Department of Agriculture kabilang ang paggamit ng mga uri ng palay na kayang tumagal sa El Niño.
Matatandaang naibaba na sa P25 ang presyo ng kada kilo ng NFA rice sa Kadiwa outlets.
Sinabi naman ni Bersamin na maaaring hindi pa ngayon ngunit sa hinaharap ay matutupad din ang pangakong P20 na bigas. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News