Naisumite na ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2024 National Expenditure Program (NEP), na nagkakahalaga ng P5.768-T.
Iniabot mismo sa Pangulo ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang kopya ng NEP sa study room sa Malakanyang.
Ito ay 9.5% na mas malaki sa P5.268-T 2023 budget, at katumbas ng 21.7% ng gross domestic product ng bansa.
P4.020-T dito ay nakalaan sa programmed general appropriations kabilang ang national government operating requirements at pondo ng mga ahensya.
37.4% naman ay nakalaan sa maintenance and other operating expenses, 29.4% sa personnel services, 21.6% sa capital outlays, at 11.6% sa financial expenses.
Sa sectoral allocation, 70% ang inilaan sa economic and social services, 15.5% sa general public services, 12.1% sa debt burden, at 4.9% sa defense.
67% ang mapupunta sa national government agencies, 17.5% sa local government units, 11.6% sa creditors para sa interest payments, at 3.9% sa government-owned and controlled corporations at net lending.
Sa pamamagitan ng 2024 National Expenditure Program ay patuloy na palalakasin ng gobyerno ang purchasing power ng mga Pilipino, aagapan ang epekto ng COVID-19 pandemic, at itataguyod ang matatag na macroeconomic fundamentals. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News