Nakaalis na patungong Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa tatlong araw na state visit.
1:15 ng hapon nang mag-takeoff ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo at ng Philippine delegation sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Sa kanyang departure speech, kinumpirma ni Marcos na magkakaroon siya ng audience sa Malaysian King upang palalimin pa ang partnerships sa mga aspetong magiging kapaki-pakinabang sa dalawang bansa.
Makikipagpulong din ito kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pag-usapan ang bagong areas of cooperation na naka-linya sa economic agendas ng magkabilang-bansa.
Tututukan din ang renewed partnerships sa agrikultura, food security, digital economy, tourism, people-to-people exchanges, at mga panibagong larangan tulad ng halal industry at Islamic banking.
Samantala, makikipagkita rin si Marcos sa prominenteng Malaysian business leaders para sa trade at investment opportunities.
Makikisalamuha rin ito sa masisipag na Pilipinong nagtatrabaho sa Malaysia upang ipakita ang pagmamalasakit sa kanila ng gobyerno ng Pilipinas.
Habang nasa Malaysia ang Pangulo ay magsisilbing officer-in-charge ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News