dzme1530.ph

Krisis sa edukasyon, dapat tutukan bago pa mahuli ang lahat

Nangangamba si Senador Alan Peter Cayetano na kung hindi tutugunan ang nararanasan ngayong krisis sa edukasyon ay lalo pa itong lalala sa mga susunod na panahon.

Sinabi ni Cayetano na nagdagdag ng dalawang taon ang bansa para maging K-to-12, subalit marami sa urban areas ngayon ay half-day ang classes kaya’t malinaw na napag-iiwanan na ang lebel ng pagkatuto ng mga estudyante.

Sa loob anya ng tatlong taon ng COVID-19 pandemic, napag-iwanan na ang mga estudyante dahil panay ang modular, mahina ang internet connection at nahirapan sa distance learning.

Subalit kapag hindi anya maayos na mabalik ng whole day ang pasukan at ang ginawa ay nagbawas na lamang sa curriculum, magigising na lang anya ang lahat na sa susunod na 10 taon ay naunahan na ang Pilipinas ng maliliit na bansa sa Southeast Asia.

Iginiit ng senador na short term na solusyon ay ang pagkakaroon ng livelihood upang magkaroon ng sapat na panggastos ang bawat pamilya para sa edukasyon.

Ipinaliwanag ng senador na kung mabibigyan ang bawat pamilya at probinsya ng sapat na ayuda ay iikot talaga ang pera.

About The Author