Positibo ang naging pananaw ng ilang senador sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulon Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay Senate Committee on Labor and Employment chairman Jinggoy Estrada, halos kumpletong nabanggit ng Pangulo ang lahat ng sektor sa kanyang talumpati.
Ikinatutuwa ng senador ang pagbanggit sa pagtutok sa pagpapaunlad sa oportunidad sa trabaho at mas maayos na kondisyon para sa mga overseas Filipino workers.
Ipinakita rin anya ng Pangulo ang malalim niyang pagkaunawa sa mga hamon na kinakaharap ng mga maralita sa pamamagitan ng kanyang plano na makapagbigay ng social services, kalusugan at edukasyon para sa mga Pilipino.
Ikinatuwa naman nina Senators Grace Poe at Joel Villanueva ang direktang warning ng Pangulo sa mga smuggler ng agricultural products.
Malaking bagay din para kay Poe ang pagtutok ng Pangulo sa isyu ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at maging ang pagtatatag ng Department of Water Resources Management (DWRM).
Sa kabuuan, binigyan ni Poe ang SONA ng Pangulo ng 97% rating habang outstanding naman ang grado ni Villanueva. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News