Umabot sa isang-daan at talumpu’t-pitong kaso ng fireworks-related injuries ang naitala ng Department Of Health (DOH) sa pagsalubong sa Bagong Taon 2023.
Ayon kay DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, naitala sa National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na datos ng mga nabiktima ng paputok na umabot sa 64 bilang mas mataas ng sampung porsyento kumpara sa limampu’t-walong kaso noong 2021.
Naitala sa Bicol Region naman naitala ang may pinakamataas na dagdag na kaso na umakyat ng 28 percent kumpara sa mga naitala noong nakaraang taon.
Sa Bicol Region ay nakapagtala ng dalawampu’t-walong porsyento bilang ng mga naputukan, pinakamataas na kaso kumpara noong 2022,
Maging ang MIMAROPA at Northern Mindanao Region na dating walang fireworks-related injuries ay nakapagtala rin ng mga nasugatan sa pagsalubong sa 2023.
Sa kabuuan mas mababa ng labing-limang porsyento ang fireworks-related injuries sa bansa sa pagsalubong sa 2023 kumpara noong nakalipas na taon.