dzme1530.ph

Guidelines para sa bagong poll technology, inaprubahan ng COMELEC

Aabot sa 19 na Terms of Reference ang inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa bagong teknolohiya na gagamitin sa 2025 Midterm Polls.

Ayon sa ahensya, ito ay magsisilbing gabay sa mga manufacturer at technology providers kaugnay sa sistema na kailangan para sa nasabing eleksyon.

Una nang sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang poll body ay lilipat sa mas mabilis at modernong automatic counting machines (ACMs) mula sa vote counting machines.

Samantala, aabot sa 90,000 VCMs na napakinabangan noong 2016, 2019, at 2022 elections ang hindi na ginagamit sa ngayon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author