dzme1530.ph

Grupo ng mga taga-Southern Tagalog, nagkasa ng kilos protesta sa Maynila 

Naudlot ang nakatakda sanang paglunsad ng kilos protesta ng mga sektoral at panlalawigang organisasyon mula sa Southern Tagalog na kinabibilangan ng Bagong Alyansang Makabayan Timog Katagalugan (BAYAN-TK) sa US Embassy sa Roxas Boulevard, Maynila. 

Ito ay matapos silang harangin ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) Mobile Force Batallion dahil walang maipakitang dokumento o permit ng aktibidad. 

Matapos ang kaganapan, binaybay ng grupo ang kahabaan ng UN Avenue Taft kung saan nagkaroon naman ng girian o pagtatalo ang pagitan ng BAYAN-TK at grupo ng MPD na pinamumunuan ni PCOL Julius Cubos Añonuevo na kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang weekly exercises sa headquarters. 

Sa kabilang ng pagharang, nagpatuloy pa rin ang kanilang pakikibaka hanggang sa marating ang Raon sa Quiapo. 

Gayunman, hanggang sa Quiapo ay hinarang at pinairal pa rin ng MPD ang kanilang maximum tolerance. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News 

About The Author