dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nagbabadya sa susunod na linggo 

Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.  

Batay sa oil trading mula Hulyo a-17 hanggang a-20, posibleng bumaba ng P0.10 kada litro ang presyo ng diesel.  

Habang posibleng tumaas ng P0.80 hanggang P1.10 ang kada litro ng gasolina. 

Inuugnay ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa productions cuts na ipinatupad ng Saudi Arabia at Russia.  

Samantala, kadalasan ini-aanunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes, na ipinatutupad naman sa kasunod na araw o tuwing Martes. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author