dzme1530.ph

Pangakong P20 kada kilo ng bigas, sadyang mahirap tuparin!

Aminado si Senate Committee on Agriculture Chairperson Cynthia Villar na sadyang mahirap tupdin ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ibaba sa P20 ang bawat kilo ng bigas.

Sinabi ni Villar na sa ngayon ay P25 ang bawat kilo ng bigas na bili ng National Food Authority.

Ipinaliwanag ng senador na nahihirapan ang mga magsasakang Pinoy na makipakumpetensya sa ibang bansa partikular sa Vietnam.

Lumitaw anya sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na mataas ang production cost sa Pilipinas dahil sa mahal ang labor sa atin.

Kung titignan din anya ang Vietnam ay lubha nang mechanized kaya’t mas maganda ang kanilang produksyon bukod pa sa maganda ang klase na gamit nilang binhi.

Ito naman anya ang sinusubukang solusyunan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund kung saan naglalagay sila ng P5-B kada taon para sa suporta sa mga kooperatiba ng mga magsasaka. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author