Inaasahang magbubunga ng investment pledges ang nakatakdang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malaysia sa susunod na linggo.
Sa press briefing sa Palasyo, inihayag ni Foreign Affairs Spokesperson Maria Teresita-Daza na bukod sa audience sa Malaysian King at meeting kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, makikipagpulong din ang pangulo sa mga prominenteng Filipino at Malaysian business leaders.
Ito ay upang palakasin ang bilateral trade and investments, at makalikha ng economic opportunities para sa mga Pilipino.
Bukod dito, sisikapin din ng Pangulo na makabuo ng bilateral cooperation sa priority areas na magsusulong ng economic agenda ng bansa kabilang ang agrikultura, food security, turismo, digital economy, at people to people exchanges.
Samantala, ie-explore rin ang bagong larangan tulad ng Halal industry at Islamic Banking.
Sinabi ng DFA na aktibong itataguyod ng pangulo ang Pilipinas bilang trade, investment, at tourism destination. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News