Maging si Senate Minority Leader Koko Pimentel ay walang nakikitang kumplikasyon sa bagong batas kaugnay sa fixed term sa Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Romeo Brawner.
Ayon kay Pimentel, ang maximum allowable term para sa lider ng AFP ay hindi maituturing na karapatan ng appointee at nasa appointing power pa rin ang prerogative kung nais na itong palitan.
Ipinauubaya naman ni Pimentel sa judgment ng Pangulo ang pagpili ng sinumang itatalaga sa posisyon.
Sinabi ni Pimentel na bilang commander in chief, mas alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kapasidad at kaalaman ng mga itatalaga niyang opisyal.
Sa kabilang dako, wala naman anya siyang nabalitaang derogatory record ni Brawner matapos na rin itong manungkulan sa mga high profile assignments sa serbisyo. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News