dzme1530.ph

Senado, target makalipat sa bagong bahay sa 2024

Target ng liderato ng Senado na masimulan na nila ang operasyon ng kanilang bagong gusali sa pagbubukas ng sesyon sa July 2024.

Ito ang inihayag ni Senate Committee on Accounts Chairperson Nancy Binay matapos ang ‘topping-off ceremony’ sa New Senate Building sa Fort Bonifacio sa Taguig City na pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri at ng iba pang mga senador.

Ang bagong gusali ng Senado ang magiging kauna-unahang government certified na green building sa ilalim ng Building for Ecologically Responsive Design Excellence (BERDE) Program.

Ang gusali ay mayroong sustainable features tulad ng energy-efficient systems, water conservation measures, at paggamit ng eco-friendly materials.

Inaasahang makatitipid ang Senado ng 30% hanggang 50% ng kunsumo sa kuryente kumpara sa ibang mga standard buildings. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author