dzme1530.ph

BSP, 8.6% Inflation Rate posible ngayong Disyembre

Posibleng pumalo sa hanggang 8.6% ang Inflation Rate sa bansa para ngayong buwan ng Disyembre.

Mas mataas ito sa naitalang 14-year high 8% Inflation Rate noong Nobyembre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang maglalaro sa 7.8% hanggang 8.6% ang Inflation Rate ngayong buwan.

Nakikitang sanhi nito ang mataas na electricity rates, pag sipa ng presyo ng agricultural commodities tulad ng karne at isda, at mataas na presyo ng LPG.

Gayunman, sinabi ni BSP Governnor Felipe Medalla na inaasahang unti-unti ng huhupa ang Inflation Rate pagsapit ng Enero 2023.

About The Author