Itatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si outgoing AFP Chief of Staff General Andres Centino, bilang Presidential Adviser on West Philippine Sea.
Ito ay matapos i-anunsyo ng Malakanyang na napili ng Pangulo si Philippine Army Commanding General Romeo Brawner Jr. bilang susunod na AFP Chief of Staff.
Ang pagtatalaga kay Centino ay sa harap nang nagpapatuloy na territorial dispute sa WPS laban sa China, at ang nananatiling presensya ng Chinese vessels sa karagatan ng bansa.
Matatandaang si Centino ay ibinalik ng pangulo bilang AFP Chief noong Enero, matapos itong unang manungkulang pinuno ng AFP mula Nobyembre 2021 hanggang Agosto 2022. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News