Sampu hanggang labing apat na Bilateral Agreements ang nakatakdang lagdaan ng Pilipinas at China sa State Visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Beijing sa January 3 hanggang 5, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial na ang mga kasunduan ay kakatawan sa mas malawak na kooperasyon, gaya ng Trade and Investments, Agriculture, Renewable Energy, Infrastructure, Development Cooperation, People to People Ties at Maritime Security.
70 percent ng nickel ore at concentrates requirements ng China ay inaangkat mula sa Pilipinas.
Inihayag din ni Imperial na inaasahang isasapinal ng Pilipinas at china ang kasunduan sa Durian Exportation.
Lalagdaan din ng dalawang bansa ang kasunduan para sa pagkakaroon ng direktang komunikasyon sa pagitan ng kani-kanilang Foreign Ministries upang maiwasan ang miscalculations at miscommunications sa West Philippine Sea.
Idinagdag ng DFA official na inaasahan din ng Pilipinas ang posibleng grants mula sa China na nagkakahalaga ng 1.5 billion yuan.