dzme1530.ph

Former lawmaker Vigor Mendoza II, itinalagang LTO Chief

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Vigor Mendoza II bilang bagong pinuno ng Land Transportation Office.

Inanunsyo ng Malakanyang ang appointment ni Mendoza na may titulong assistant secretary sa ilalim ng Department of Transportation.

Siya ang pumalit sa nagbitiw na si dating LTO Chief Jay Art Tugade.

Si Mendoza ay dating naging kinatawan ng 1-UTAK Party-List, at dati rin siyang naging board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Gayunman, naging kontrobersyal ito matapos sibakin sa serbisyo sa LTFRB ni dating Pangulong Joseph Estrada kasunod ng rekomendasyon ng Presidential Commission Against Graft and Corruption.

Samantala, opisyal na ring itinalaga si Philippe Lhullier bilang ambassador ng Pilipinas sa Espanya na may jurisdiction din sa Andorra. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author