dzme1530.ph

PBBM, bukas sa anumang bagong linya ng komunikasyon sa China

Bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkakaroon ng anumang bagong linya ng komunikasyon sa China.

Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing, sa harap ng nagpapatuloy na sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, welcome sa kanya kung si Duterte ang magsisilbing kanilang bagong linya ng komunikasyon sa China.

Umaasa din si Marcos na natalakay nina Duterte at Xi ang mga isyu tulad ng pagbuntot ng Chinese vessels sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Bukod dito, nakatitiyak din umano ang pangulo na ibabahagi sa kanya ni Duterte ang napag-usapan nila ni Xi.

Matatandaang una nang sinabi ni Marcos na alam niya ang pakikipagpulong ni Duterte kay Xi, ngunit nilinaw nito na wala itong basbas ng Malakanyang. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author