dzme1530.ph

ICC decision sa war on drugs sa Pilipinas, tagumpay sa hanay ng mga biktima ng summary killings

Itinuturing na tagumpay ng grupong Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber dahil makakamit na ng mga biktima ng war on drugs ang hustisya.

Sa botong 3-2, hindí binigyang merito ng Appeals Chamber ang mosyon ng Pilipinas na itigil ng ICC ang imbestigasyon sa mga kasong may kinalaman sa mga napaslang sa giyera laban sa bawal na droga.

Ayon sa PAHRA, ang desisyon ng ICC ay isang matibay na mensahe sa lahat ng gobyerno sa buong mundo na hindi nila maaaring labagin ang international law.

Sinabi rin ng PAHRA na nasaksihan ng sambayanang Pilipino ang mga naganap na pamamaslang lalo na sa mga mahihirap at walang laban.

Anila, ng mga biktima ay karapat-dapat na makaranas ng hustisya at ang disisyon ng ICC ay isang hakbang tungo sa tamang direksiyon. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author