Magpapasa ng resolusyon ang Senado ng pagkondena sa patuloy na pambabalewala ng China sa arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration kaugnay sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senate Pres. Migz Zubiri, nararapat lamang na ipaglaban ng pamahalaan ang ating exclusive economic zone at tiyaking walang kahit isang pulgada ng ating teritoryo ang mawawala.
Plano anya ng Senado na aprubahan sa susunod na linggo ang resolusyon na nananawagan sa administrasyon na iakyat na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang patuloy na harassment at pambubully ng China sa pwersa sa Pilipinas sa West Philippine Sea.
Kaugnay nito, iginiit ni Zubiri na suportado nita ang panukalang pagbuo ng maritime zone ng bansa.
Sa maritime zone anya ay dapat ilagay ang desisyon ng Arbitral Court na kumikilala sa ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea.
Ipinakita pa ni Zubiri ang mapa kung saan nagpapatunay na ang Reed bank ay 80 nautical miles lang mula sa palawan habang nasa 600 nautical miles ang layo nito sa China. —sa ulat ni Dang Garciam, DZME News