dzme1530.ph

Maharlika Investment Corporation, ‘di dapat maglagay ng puhunan sa stock market

Inirekomenda ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na hindi dapat maglagak ng pondo ang Maharlika Investment Corporation (MIC) sa stock market at iba pang hindi siguradong investments.

Sinabi ni Zubiri na dahil taas-baba ang halaga ng stocks kaya’t advisable na pasukin ito ng Maharlika Investment Fund lalo na ngayon na inilarawan nitong nasa comatose ang stock market.

Bukod sa stocks, dapat anyang iwasan ng MIC ang pag-iinvest sa mga paluging korporasyon at sa mga start-up companies na hindi naman tiyak ang return on investment.

Iginiit pa ng senate leader na pinakaligtas na mamuhunan ang MIF sa mga public infrastructure projects na may return on investment, tulad ng mga toll at sa mga blue chip companies.

Ipinaalala naman ni Zubiri na may oversight function ang kongreso sa MIF upang matiyak na tama ang gagawin ng mga itatalagang mangangasiwa sa pondo. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author