dzme1530.ph

3 katao, inaresto ng NBI dahil sa online child exploitation

Kinasuhan ng patung-patong na kaso ang tatlong hindi pinangalanang indibiduwal dahil sa paglabag sa RA 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children, Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act ng NBI-AHTRAD sa Taguig City.

Kargado ng mga dokumento ang mga awtoridad para gawin ang entrapment, rescue operation at warrant to seize, & search, para suriin ang computer data na ginamit sa krimen.

Nagsanib-pwersa ang city social welfare development ng Taguig City, NBI-Digital Forensic Laboratory, at DOJ-IACAT nang salakayin ang bahay na tinutuluyan ng mga suspek.

Na-rescue ang tatlong bata na may edad 2, 7, at 8 taong gulang at narekober naman ang ginamit na computer ng mga suspek.

Nag-ugat ang operasyon matapos na makatanggap ng ulat at referral ng kaso mula sa Destiny Rescue International, hinggil sa umano’y sexual exploitation sa mga menor-de-edad na ginagawang negosyo sa Pilipinas.

Dito na nagkasa ng plano ng komunikasyon ang dayuhang nakilala sa pangalang Matt, sa pamamagitan ng pagbahagi nito ng kanyang personal account sa Telegram at WhatsApp account, para kumpirmahin ang nabanggit na ipinagbabawal na aktibidad. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author