Dumagsa sa harap ng tanggapan ng Korte Suprema ang mga digital advocates na kumukuwestiyon sa legalidad ng Sim Registration Act.
Kasabay ng rally ang paghahain ng kahilingan o mosyon sa Supreme Court na magtakda ng oral argument upang maresolba ang mga idinulog na petition laban sa SIM registration law.
Kabilang sa nagsagawa ng rally ay ang grupong Junk SIM Registration Network, isang alyansa ng digital experts, privacy advocates at mga consumer.
Nais ng nasabing grupo na idaan sa debatehan ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ang pagresolba sa mga petisyon.
Ayon kay Kim Cantillas, pinuno ng Computer Professionals’ Union, isa sa mga miyembro ng Junk SIM Registration Network, may merito ang iginigiit nilang unconstitutionality ng SIM Registration Act kaya marapat lamang na idaan sa bukas na talakayan ng mga mahistrado ang nasabing usapin.
Binigyang diin ng mga petitioner na labag sa mga pangunahing karapatang pantao gaya ng ang naturang batas gaya ng freedom of speech, the right against unreasonable searches and seizures and to the privacy of communication, the right for a substantive due process, at the right of free access to courts.
Ayon sa grupo, mahigit 64-M SIMs ang hindi pa nairerehistro at sa sandaling magpatupad ng deactivation milyun-milyong Pilipino ang mawawalan ng access sa SIM cards.
Ang pétition for certiorari and prohibition laban sa Simcard Registration ay inihain noong April 17, hanggang sa palawigin ng Department of Information and Communications Technology ang panahon ng pagpapareshitro. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News