Nangako ang pamahalaan ng Sweden na magbibigay ito sa Ukraine ng 6-B kr o katumbas ng $586-M upang makarekober ang ekonomiya ng bansa.
Ayon kay International Development Cooperation Minister Johan Forsell, ang pondo na maipamamahagi sa pagitan ng taong 2023 hanggang 2027 ay bahagi ng bagong develop aid strategy na binuo ng Kyiv.
Aniya, ang nasabing hakbang ang pinakamalaking bilateral strategy ng Sweden at hindi lamang nito matutulugan ang ukraine sa pagbangon kundi maging sa pagsulong ng reporma na magbibigay daan para mapabilang ang Ukraine sa European Union.
Samantala, target ng Ukranian Government na gamitin ang pondo para sa pagtatayo ng mga imprastruktura at institusyon. —sa panulat ni Airiam Sancho