dzme1530.ph

Maharlika Investment Fund, makakabawas sa pag-utang ng gobyerno

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makakaiwas na sa pag-utang ang gobyerno para pondohan ang mga proyekto, dahil sa nilikhang Maharlika Investment Fund.

Sa talumpati sa Malakanyang sa signing ceremony ng Maharlika Investment Fund Act, sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng sovereign wealth fund ay mapalalago na ang maliit at underutilized na investable funds ng pamahalaan, tungo sa pagpapasigla ng ekonomiya.

Iginiit ni Marcos na sa pamamagitan nito ay mababawasan na ang borrowings o pag-utang ng gobyerno dahil magagamit na ang kikitain sa Maharlika Fund para sa malalaking proyekto,

Kabilang dito ang public-private partnerships at mga proyekto sa imprastraktura.

Binigyang diin ni Marcos na batay sa instincts ng sinumang financial manager, ang pera ay dapat gumalaw at hindi lamang natutulog sa bangko upang lumago at magkaroon ng interes.

Idinagdag pa nito na upang makasabay ang Pilipinas sa World Market, kinakailangan nitong paunlarin ang imprastraktura at iba pang sektor. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author