Itinuturing ni House Speaker Martin Romualdez bilang additional vehicle sa infrastructure financing ng walang idinadagdag na buwis at utang ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Si Romualdez ay kabilang sa maraming opisyal ng lehislatura at ehekutibo na nagtungo sa Malakanyang para personal na saksihan ang paglagda ni PBBM sa MIF Act.
Aniya, sa pamamagitan nito maisasakatuparan na ng pamahalaan ang high-impact at long-term economic development programs and projects na kapaki-pakinabang sa taumbayan.
Sa kasalukuyan bago maipatupad ang isang proyekto, umuutang muna sa local o foreign financial institutions ang gobyerno, na sinasabayan ng pagpapataw ng bagong buwis.
Sa tulong ng MIF Act maiiwasan na umano ito at dahil dyan, asahan din na madaragdagan ang pondo para sa vital social services kagaya ng edukasyon at kalusugan dahil may fiscal space na ang annual national budget.
Tahasan pa nitong sinabi na hindi lang beneficial kundi necessary ang MIF dahil magbibigay ito ng oportunidad para lumago ang ekonomiya ng bansa nang hindi lumalaki ang utang. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News