Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hinimok niya si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na banggitin sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang mga priority programs and projects na popondohan ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ayon kay Zubiri, sa ganitong paraan malalaman ng taumbayan ang kahalagahan ng MIF at epekto nito sa ekonomiya sa kabuuan.
Ipinaliwanag ng Senate President na mahalaga ang MIF upang maisakatuparan ang malalaking infrastructure projects na kadalasang pinopondohan sa pamamagitan ng borrowings o utang.
Muli ring nilinaw ni Zubiri na walang dapat ipag-alala sa naging kontrobersyal na pagbabago sa ilang seksyon ng batas matapos ang approval sa 3rd and final reading ng Senado.
Iginiit nito na ang masasalamin sa batas ay ang mga pinag usapan at inaprubahan sa plenaryo.
Sa panig naman ng principal sponsor ng MIF na si Senador Mark Villar, iginiit nito na malaki ang maitutulong ng batas upang mapabilis ang recovery ng bansa sa pandemya.
Historic event anyang maitututing ang pagsasabatas ng MIF na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News