Kasunod ng Executive Order No. 32 ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., nais naman ni Albay Cong. Joey Salceda na amyendahan ang Building Code para i-require ang telecommunication facilities sa lahat ng condominium at major commercial at government establishments.
Nagpasalamat ang kongresista sa pangulo dahil ang EO 32 ang magpapabilis sa proseso ng pagkuha ng permit para sa telecommunication tower infrastructure.
Inaatasan ng EO 32 ang lahat ng cities at municipalities na mag set-up ng one-stop shops na eksklusibo lamang sa construction permits ng telecommunication facilities.
Sa House Bill 8534 ni Salceda, layon nito na amyendahan ang 46-years old ng Building Code para atasan ang lahat ng condominium developers na maglaan ng espasyo para sa telecommunication facilities.
Sa Metro Manila pa lamang, may 160,000 plus condo units, at mahigit sa 1-M ang dito’y naninirahan na karamihan ay working class, estudyante at young professionals na nakasandal sa reliable internet.
Para sa mambabatas, ang telecom service ay basic na sa ngayon partikular nang tumama ang pandemya at nauso ang work-from-home set-up. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News