dzme1530.ph

Kadiwa store, umarangkada sa CAMANAVA

Ibat-ibang Kadiwa Diskwento Caravan ang binusan sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela para sa mas murang bilihin.

Isa sa binuksan ngayon araw ang Kadiwa sa Brgy. Baritan Sports Complex sa Malabon City.

Iniaalok sa Kadiwa ang puting sibuyas na mabibili sa ₱100 kada kilo; luya ₱80 kada kilo; kamatis na ₱60 kada kilo; ampalaya na ₱60 kada kilo; native talong ₱80 kada kilo.

Mayroon ding produkto mula Baguio gaya: pechay Baguio na ₱60 kada kilo; Baguio beans na ₱50 kada kilo; patatas at carrots na ₱120 kada kilo.

Bukod sa mga gulay, mayroon ding isda mula sa Philippine Fisheries Development Authority at murang bigas na ₱25 kada kilo na alok naman ng National Food Authority.

Karamihan sa mabibili dito ay sariwa at direkta mula sa mga magsasaka ng lalawigan ng Nueva Ecija.

Samantala, bukod sa Malabon, mayroon ding Kadiwa na binuksan sa Navotas Central Park sa Navotas City, Caloocan City Hall, at sa Maysan 3s Center Main sa Maysan Road, Valenzuela City.

Bukas ang lahat ng Kadiwa store mula alas-7:00 ng umaga hanggang hapon. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author