dzme1530.ph

Region 8 Police Chief, iginiit na hindi kukunsintihin ang maling pag-uugali sa mga tauhan nito

Iginiit ni Police BGen. Vincent Calanoga, hepe ng Police Regional Office 8, na hindi niya kukunsintihin ang maling pag-uugali ng kanyang mga tauhan kasabay ng pagtiyak ng patas na imbestigasyon sa insidente sa Pastrana, Leyte kung saan sangkot ang ilang awtoridad at local journalists.

Ito ang inihayag ni Calanoga matapos ang anunsyo ni Leyte Police Provincial Office OIC Lt. Col. Ricky Reli na i-relieve sa puwesto ang dalawang pulis na sina SSg Rhea May Baleos at asawa nitong si PSSg Ver Baleos na nakatalaga sa Pastrana, habang isinasagawa ang pagsisiyasat.

“We are dedicated to resolving this matter promptly. We will not tolerate any form of misconduct within our ranks…We likewise urge witnesses to come forward and shed light on the incident for a swift and fair result of the investigation,” ani Calanoga.

Nauna nang iniulat na tatlong mamamahayag ng San Juanico TV  na sina Lito Bagunas, Noel Sianosa, at Ted Tomas ang nakikipanayam sa mga farmer-beneficiaries ng isang programa sa reporma sa lupa sa Barangay Jones sa Pastrana nang paalisin ang mga ito ng nina Baleos sa lugar.

“Baleos reportedly grabbed Sianosa’s cellphone while the latter was taking videos, and pushed him away. A few minutes later, the three journalists heard gunshots,” ayon sa NUJP. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author