dzme1530.ph

Tulong ng private sector laban sa rebeldeng grupo, binigyang halaga ng AFP

Binigyang pagpapahalaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pakikipagtulungan ng private sectors sa pagpapanatili ng tagumpay laban sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Visayas Command (VisCom) Chief, Lt. Gen. Benedict Arevalo, malaki ang ginagampanan ng mga private sector na isulong ang mabuting pamamahala, transparency at accountability sa pagtupad ng layunin na ibagsak ang CPP-NPA partikular sa rehiyon ng Visayas.

Isa sa binanggit ni Arevalo ang Multi-Sector Advisory Board (MSAB), na siyang namamagitan sa pagsusulong ng patas, makatarungan at responsableng paglilingkod para sa pangmatagalang kapayapaan.

Dagdag pa ni Arevalo, kung maipapakita lamang ng sundalo ang pagmamalasakit sa publiko gayundin sa mga kalaban nito ay maraming magbabalik-loob sa gobyerno at tuluyang masugpo ang insurhensya sa bansa. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author