Pormal nang umarangkada ang kauna-unahang dalawang araw na Procurement Summit ng Commission on Election (COMELEC) bilang paghahanda sa darating na 2025 Midterm Election.
Pinangunahan ni COMELEC Chairman George Garcia ang naturang aktibidad sa isang hotel sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Garcia, layunin ng summit na palakasin ang mga usapin sa pag-proseso ng public bidding at matiyak ang accountability at transparency kasabay ng pagkakaroon ng access ng mga nasa bidding na nasa private opportunities ng poll body.
Kalahok sa naturang event ang lahat ng supplier ng komisyon, services providers, contractors at marami pang iba.
Tinalakay sa din dito ang market analysis, pangangailangan, kakulangan, o general principles sa government procurement, at iba pang mga usapin. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News