Mahigit dalawang milyong sim cards ang nairehistro sa bansa ng malalaking telecommunications companies sa unang dalawang araw ng mandatory Sim Registration.
Ayon sa Globe, nakapagtala ang kanilang portal ng kabuuang 1,528,735 Globe at TM Sim Users na nakakumpleto ng kanilang registration hanggang 4 p.m., kahapon, simula nang ibalik ang portal kahapon ng umaga.
Sa unang araw naman ng Sim Registration, sinabi ng Smart na 244,840 Smart Prepaid, Smart Bro, at TNT users; at 143,682 smart postpaid subscribers o kabuuang 388,522 subscribers ang naiparehistro ang kanilang Sim.
Samantala, ang DITO naman ay mayroong kabuuang 497,783 subscribers na nakakumpleto ng Sim Registration hanggang kahapon.
Noong martes ay sinimulan sa bansa ang pagpaparehistro ng mga sim, kasabay ng implementasyon ng bagong Sim Registration Law.