dzme1530.ph

Multi-specialty hospital sa Clark Freeport Zone, ininspeksyon ng Pangulo

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa Pampanga.

Sa harap ng masamang panahon ay na-late ng mahigit 40 minuto ang pangulo sa pagdating sa Prince Balagtas Avenue sa Clark Freeport Zone, para sa briefing at site inspection ng Clark Multi-Specialty Center.

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sina House Speaker Martin Romualdez, Department of Health Undersecretary Eric Tayag, Clark Development Corporaion President at CEO Agnes Devanadera, at iba pang opisyal.

Ang Clark Multi-Specialty Medical Center ay itatayo sa 5.7 ektaryang lupa na layong mabigyan ng serbisyong medikal ang mga taga Regions 1, 2, at 3, upang hindi na nila kailangang magtungo ng Metro Manila.

Magiging parang katulad ito ng specialty hospitals sa Quezon City kung saan matatagpuan ang Philippine Heart Center, Lung Center, at National Kidney and Transplant Institute. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author