Plano ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na itaas sa P100-B ang kapital ng Development Bank of the Philipines (DBP) mula sa kasalukuyang P35-B.
Ayon kay Romualdez, sa ilalim ng Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act, na siya rin ang pricipal author, dapat P100-B na ang initial capital ng DBP.
Oobligahin nito ang DBP at Land Bank na maglaan ng malaking pondo bilang pautang sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Sa ilalim ng GUIDE Act, P7.5-B ang ilalaang pondo ng Land Bank bilang pautang sa MSMEs, habang P2.5-B naman sa DBP.
Isinusulong din nito ang House Bill 1171 o One Town, One Product Act para pagandahin at palakasin ang kalidad ng produkto ng maliliit na negosyante at makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.
Tiniyak din nito na committed ang Kongreso para tulungan ang sektor ng MSMEs na nagbibigay trabaho at income opportunities sa maraming Pinoy. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News