Inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “Bagong Pilipinas” campaign sa gobyerno, o ang tema ng pamamahala at liderato ng administrasyon tungo sa pagbabago sa lahat ng sektor ng lipunan at reporma sa mga polisiya para sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya.
Sa inilabas na Memorandum Circular no. 24, inaatasan ang lahat ng national governement agencies at instrumentalities kabilang ang government-owned or controlled corporation at state universities and colleges, na i-adopt ang ‘Bagong Pilipinas’ campaign.
Sinabi sa memorandum na ang mga stratehiya at layunin ng bagong Pilipinas brand ay dapat na magsilbing kanilang gabay sa pagpaplano ng mga programa, aktibidad, at proyekto.
Matatandaang ang Bagong Pilipinas ay una nang naging tema ng kampanya ni Pangulong Marcos noong 2022 elections.
Inilarawan naman sa memorandum ang Bagong Pilipinas bilang isang maaasahang gobyerno na katuwang ang nagkakaisang mga institusyon sa pag-abot sa mithiin ng bawat Pilipino. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News