Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang distribusyon ng iba’t ibang government assistance sa Northern Samar.
Itinurnover ng pangulo ang four-wheel drive tractors, multi-cultivators, pump irrigation systems, cacao processing facility, agricultural livelihood projects, hand tractors, at rice threshers at rice cutters, gayundin ang 21,480 sako ng certified rice seeds, tatlundaang sako ng hybrid rice seeds, fertilizer discount vouchers, at tigli-P5,000 financial assistance sa 1,220 farmer-beneficiaries.
Ipinamahagi rin ang deep sea fish aggregating devices o paya, high-density polyethylene cages, seaweed farm implement at fingerlings, at mga pakain sa tilapia.
Ibinigay din ang fiberglass boats, mangrove crablets at formulated feeds, at abaca mother block nursery.
Umabot naman sa P150,000 na financial assistance ang iniabot sa distressed overseas Filipino workers, at P10,000 scholarship assistance sa kanilang dependents.
Samantala, ininspeksyon din ni Marcos ang “Kadiwa ng Pangulo” stalls sa Catarman, Northern Samar. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News