Nagpaalala ang World Health Organization (WHO) kaugnay sa mabilis na pagkalat ng bird flu virus pati na rin ang transmission nito sa mga tao at ibang hayop.
Ayon sa WHO, nakababahala na ang pagsirit ng bird flu outbreak sa mga nakalipas na taon.
Kabilang na dito ang sunod-sunod na outbreak sa Europe, North America at South America kung saan milyun-milyung mga manok at iba pang uri ng ibon ang isinailalim sa culling operation.
Isa rin aniya sa ikinatatakot ng ahensya ang paglipat ng virus sa mga tao at iba pang mga hayop.
Nabatid na sa huling datos ng WHO, mayroon nang 26 na uri ng mga hayop sa buong mundo ang dinapuan ng bird flu partikular na ang mga mink sa Spain, sealion sa Chile, at pusa sa Poland. —sa panulat ni Jam Tarrayo